“ANG TALAMBUHAY NI JOAN REYES BAUTISTA”
Ako po si Joan R. Bautista, ipinanganaknoong July 07, 1994 sa Sitio 1,Brgy.San Gabriel,San Pablo City.Ang aking mga magulang ay sina Myla at Nicolas Bautista.At meron po akong tatlong mga kapatid na babae, bale apat po kaming magkakapatid , pangatlo po ako sa magkakapatid.Ang panganay ko pong kapatid ay si Mary joy, nasa 4th year high school din po sya ngayon.Tumigil po kasi sya kaya naging kabatch ko sya.Ang pangalawa po ay si Jonnalyn, 2nd year college sa DLSP,ang course po nya ay HRM at ang pang apat po ay si Jolina,sya ang bunso grade six na po sya ngayon, sa Ambray Elem. School po sya nag aaral.Ako naman po ay sa Dizon High School.Labing anim na taon na po ako.
Bininyagan po ako sa simbahan ng Aglipay, ang mga ninang at ninong ko at sina August, Chona, at Baby.Mga malalapit lang din ang mga kinuha ng mga magulang ko, para hindi na raw malayo.
Noong dalawang taon daw po ako ay sobra daw ang kalikutan ko.Daig ko pa daw ang lalaki kung maglilkot, kaya daw palagi akong nadadapa at nasusugatan at noong limang taon po ako ay kalaro ko na yung mga pinsan ko, naglalaro kami ng mga luto-lutuan,gaya ng mga normal na laro mga bata, tagu-taguan, habul-habulan.Lagi akong nahuhuli noon syempre mabagal pa ako tumakbo.Noon nga po ay mahilig akong sumali sa tagu-taguan, pinagbabawalan na ako ng aking nanay, kasi nga po ay babae ako,sobra daw ang kalikutan ko.baka daw kung anung mangyari sa akin.Pero hindi ako nakinig sa sinabi ni nanay kasi nga matigas ang ulo ko.Nagtago ako sa ilalim ng mesa para hindi ako makita, nung paglabas ko sa mesa nasabit ung siko ko sa alambre, kaya may pilat po ako ngayon sa siko.Nung nakita yun ng mama ko na dugong dugo ang siko ay napalo ako sa pwetan kasi ang tigas nga kasi ng ulo ko.
Noong 7 years old nap o ang nagsimula na akong pumasok ng grade 1,noong unang pagpasok ko sa school ay natatakot pa po ako kasi hindi ko pa alam ang mga gagawin ko, iyak ng iyak akon dun kasi ayokong naalis si mama sa tabi ko.Pero noong tumagal tagal naman ay nasanay na ako kasi nagkaroon na ako ng mga bagong kalaro.Noong grade 2 naman po ako may karanasan din ako kasi pinatayo kami ng aming teacher dahil wala kaming maipakitang assignment, apat kaming magkakaklase na nakatayo hanggang breaktime.At noong pag awas ko ay sinabi ni teacher kay mama, kaya pag uwi ko ay napagalitan na naman ako, kasi hindi ko daw muna tinitingnan ang notebook ko kung may assignment bago maglaro.Noong grade four naman po ako ay hindi ko rin malilimutan na namamalo ang teacher ko sa kamay kapag maiingay kami.Pero hindi ako kasali dun dahil tahimik ako.Ako pa nga yung naglilista ng mga maiingay, dahil mabait daw kasi ako sabi ni teacher.Noong grade five naman po, syempre may isip na ako noon, kasi eleven na po ako nun, kaya alam ko na kung paano ang pagtutok sa pag aaral.Noong grade six na po ako ay masaya din dahil uso na ang barkada, may tense na rin na nararamdaman kung makakagraduate ba o hindi.Masaya din dahil elementary pa lang kami ay meron nang kid’s prom.Mga grade 5 at 6 lang daw ang mga meron noon para naman daw maging masaya ang mga bata bago mag high school.
Noong 1st year napo ako nag enroll po ako sa Dizon High, hindi napo ako masyadong nag alala sa pag pasok ko doon dahil dun naman po napasok ang mga kapatid ko,marami kaagad akong naging kaibigan,gaya nina Rosalie, Jaymie, Ellamae at iba pa.pero sila yung mga naging kaclose ko kaagad.Ang masaya pa noon ay kapag breaktime, hindi na kami naghihiwalay pag kakain, hilig din naming maglaro ng sipa bola, Chinese garter at sikyo. Mga isip bata pa kasi kami noon.
Noong 2nd year naman po ako ay napaiba ang section ko. Kaya napahiwalay na ako sa kanila. Pero masaya na rin naman ako, dahil mabubuti din naman ang mga naging friend ko, mahilig maggala sa sampaloc lake, minsan trip namin ang ikutin ang lake ng lakad. Sa aming magkakaibigan, hindi naman maiiwasan ang may tampuhan, pero mabilis din naman magkaayos. Noong 3rd year naman po ay hindi ako masyadong naging masaya, hindi tulad ngayong 4th year, masaya dahil marami ng mga kalokohan ang mga ginagawa namin. Marami na ring mga experience ang mararanasan.
May mga field trip na pupuntahan, sama nga ako sa Mall Of Asia. Masaya dahil ang dami naming pinuntahan. At nay JS na sinasalihan. Sumali din po ako dun, un ung time mo para sa mga crush mo. Ngayong 4th year ay marami talaga akong hind malilimutan, mga time na nagkokopayahan kami sa exam, kalokohan na ginagawa sa mga teacher, at pati na rin sa mga pag cacutting classes naming para lang makagala kaming magbabarkada. Minsan tambay lang kami sa lake pagkatapos ng exam. Tuwing exam, masaya kami dahil maaga aawas, derecho gala na kami, minsan nga hindi na kami nakakapag review, kaya kinabukasan kopya na lang kami sa katabi naming na nagreview. Pero minsan naman ay nag aaral din ako, kasi natatakot din naman ako baka hindi ako makagraduate. Minsan nga napapatagal ang uwi naming, inaabot na ng dilim, kaya nagtataka ang mama ko kung ba’t daw ako ay palagi ng gabi umuwi, kasi napapatagal ang gala namin. Kaya ayon minsan may sermon ako kay mama, pero ok lang yun dahil masaya naman ako, dahil masaya kami ng mga barkada ko.
At ngayon po na alam ko na ako ay makakagraduate na, masaya ang mga magulang ko, panatag na sila dahil nakatapos na ang anak nila ng high school.Dalawa nga pala kaming gagraduate kaya masya na kami.
Pag nakagraduate po ako ngayon, hindi kop o alam kung papasok ako o magtatrabaho muna para tulungan ang mama ko. Gusto ko sana ppong magtrabaho muna, mag iipon muna ng pang college. Hindi ko pa po kasi alam kung anung course ang kukunin ko. Saka na lang po ako mag dedeside, ang mahalaga ngayon ay makakatapus na ako ng high school.
Ganun lamang po ang kwento na buhay ni Joan R. Bautista. Masaya, nakakatawa, minsan palaging malungkot, pero mas malimit ang palagng masaya.
Hanggang dyan na lang po, maraming salamat.
Casino Reviews - Dr.MCD
TumugonBurahinThe MCD 거제 출장마사지 Casino is a casino that is 안산 출장마사지 accepting US players. It has a huge selection of video 목포 출장안마 slots and other popular games. 군산 출장샵 The slots are all 구리 출장샵 available here