Lunes, Marso 21, 2011

“ANG TALAMBUHAY NI JOAN REYES BAUTISTA”

Ako po si Joan R. Bautista, ipinanganaknoong July 07, 1994 sa Sitio 1,Brgy.San Gabriel,San Pablo City.Ang aking mga magulang ay sina Myla at Nicolas Bautista.At meron po akong tatlong mga kapatid na babae, bale apat po kaming magkakapatid , pangatlo po ako sa  magkakapatid.Ang panganay ko pong kapatid ay si Mary joy, nasa 4th year high school din po sya ngayon.Tumigil po kasi sya kaya naging kabatch ko sya.Ang pangalawa po ay si Jonnalyn, 2nd year college sa DLSP,ang course po nya ay HRM at ang pang apat po ay si Jolina,sya ang bunso grade six na po sya ngayon, sa Ambray Elem. School po sya nag aaral.Ako naman po ay sa Dizon High School.Labing anim na taon na po ako.
                       
Bininyagan po ako sa simbahan ng Aglipay, ang mga ninang at ninong ko at sina August, Chona, at Baby.Mga malalapit lang din ang mga kinuha ng mga magulang ko, para hindi na raw malayo.
          Noong dalawang taon daw po ako ay sobra daw ang kalikutan ko.Daig ko pa daw ang lalaki kung maglilkot, kaya daw palagi akong nadadapa at nasusugatan at noong limang taon po ako ay kalaro ko na yung mga pinsan  ko, naglalaro kami ng mga luto-lutuan,gaya ng mga normal na laro mga bata, tagu-taguan, habul-habulan.Lagi akong nahuhuli noon syempre mabagal pa ako tumakbo.Noon nga po ay mahilig akong sumali sa tagu-taguan, pinagbabawalan na ako ng aking nanay, kasi nga po ay babae ako,sobra daw ang kalikutan ko.baka daw kung anung mangyari sa akin.Pero hindi ako nakinig sa sinabi ni nanay kasi nga matigas ang ulo ko.Nagtago ako sa ilalim ng mesa para hindi ako makita, nung paglabas ko sa mesa nasabit ung siko ko sa alambre, kaya may pilat po ako ngayon sa siko.Nung nakita yun ng mama ko na dugong dugo ang siko ay napalo ako sa pwetan kasi ang tigas nga kasi ng ulo ko.
          Noong 7 years old nap o ang nagsimula na akong pumasok ng grade 1,noong unang pagpasok ko sa school ay natatakot pa po ako kasi hindi ko pa alam ang mga gagawin ko, iyak ng iyak akon dun kasi ayokong naalis si mama sa tabi ko.Pero noong tumagal tagal naman ay nasanay na ako kasi nagkaroon na ako ng mga bagong kalaro.Noong grade 2 naman po ako may karanasan din ako kasi pinatayo kami ng aming teacher dahil wala kaming maipakitang assignment, apat kaming magkakaklase na nakatayo hanggang breaktime.At noong pag awas ko ay sinabi ni teacher kay mama, kaya pag uwi ko ay napagalitan na naman ako, kasi hindi ko daw muna tinitingnan ang notebook ko kung may assignment bago maglaro.Noong grade four naman po ako ay hindi ko rin malilimutan na namamalo ang teacher ko sa kamay kapag maiingay kami.Pero hindi ako kasali dun dahil tahimik ako.Ako pa nga yung naglilista ng mga maiingay, dahil mabait daw kasi ako sabi ni teacher.Noong grade five naman po, syempre may isip na ako noon, kasi eleven na po ako nun, kaya alam ko na kung paano ang pagtutok sa pag aaral.Noong grade six na po ako ay masaya din dahil uso na ang barkada, may tense na rin na nararamdaman kung makakagraduate ba o hindi.Masaya din dahil elementary pa lang kami ay meron nang kid’s prom.Mga grade 5 at 6 lang daw ang mga meron noon para naman daw maging masaya ang mga bata bago mag high school.
         
Noong 1st year napo ako nag enroll po ako sa Dizon High, hindi napo ako masyadong nag alala sa pag pasok ko doon dahil dun naman po napasok ang mga kapatid ko,marami kaagad akong naging kaibigan,gaya nina Rosalie, Jaymie, Ellamae at iba pa.pero sila yung mga naging kaclose ko kaagad.Ang masaya pa noon ay kapag breaktime, hindi na kami naghihiwalay pag kakain, hilig din naming maglaro ng sipa bola, Chinese garter at sikyo. Mga isip bata pa kasi kami noon.
          Noong 2nd year naman po ako ay napaiba ang section ko. Kaya napahiwalay na ako sa kanila. Pero masaya na rin naman ako, dahil mabubuti din naman ang mga naging friend ko, mahilig maggala sa sampaloc lake, minsan trip namin ang ikutin ang lake ng lakad. Sa aming magkakaibigan, hindi naman maiiwasan ang may tampuhan, pero mabilis din naman magkaayos. Noong 3rd year naman po ay hindi ako masyadong naging masaya, hindi tulad ngayong 4th year, masaya dahil marami ng mga kalokohan ang mga ginagawa namin. Marami na ring mga experience ang mararanasan.

                 
 May mga field trip na pupuntahan, sama nga ako sa Mall Of Asia. Masaya dahil ang dami naming pinuntahan. At nay JS na sinasalihan. Sumali din po ako dun, un ung time mo para sa mga crush mo. Ngayong 4th year ay marami talaga akong hind malilimutan, mga time na nagkokopayahan kami sa exam, kalokohan na ginagawa sa mga teacher, at pati na rin sa mga pag cacutting classes naming para lang makagala kaming magbabarkada. Minsan tambay lang kami sa lake pagkatapos ng exam. Tuwing exam, masaya kami dahil maaga aawas, derecho gala na kami, minsan nga hindi na kami nakakapag review, kaya kinabukasan kopya na lang kami sa katabi naming na nagreview. Pero minsan naman ay nag aaral din ako, kasi natatakot din naman ako baka hindi ako makagraduate. Minsan nga napapatagal ang uwi naming, inaabot na ng dilim, kaya nagtataka ang mama ko kung ba’t daw ako ay palagi ng gabi umuwi, kasi napapatagal ang gala namin. Kaya ayon  minsan may sermon ako kay mama, pero ok lang yun dahil masaya naman ako, dahil masaya kami ng mga barkada ko.
          At ngayon po na alam ko na ako ay makakagraduate na, masaya ang mga magulang ko, panatag na sila dahil nakatapos na ang anak nila ng high school.Dalawa nga pala kaming gagraduate kaya masya na kami.
          Pag nakagraduate po ako ngayon, hindi kop o alam kung papasok ako o magtatrabaho muna para tulungan ang mama ko. Gusto ko sana ppong magtrabaho muna, mag iipon muna ng pang college. Hindi ko pa po kasi alam kung anung course ang kukunin ko. Saka na lang po ako mag dedeside, ang mahalaga ngayon ay makakatapus na ako ng high school.
          Ganun lamang po ang kwento na buhay ni Joan R. Bautista. Masaya, nakakatawa, minsan palaging malungkot, pero mas malimit ang palagng masaya.
Hanggang dyan na lang po, maraming salamat.

Miyerkules, Marso 2, 2011

Ang Talambuhay ni Loui Alangguilan

pic.ko noong bata pa ako.
     Noong sept.28 1993 martes akoy pinanganak sa Pamplona at doon ako inalagaan ng aking ama at ina.at noong akoy dakwang taong gulang,ako ay iniwan sa aking lola ng king ama sa aking lola  ng aking ama sa kadahilanang siya ay may sakit

ito ang larawan ko noong nakatapos ako noong kinder.
     At lola ko ang nag alaga sa akin namatay ang tatay ko sa sakit na lukimia.Kasabay nito ang pag iwan sa akin ng aking ina.Sa aking lola.At ang lola ko na ang nagalaga sa akin .hanggang akoy pumasok sa kinder sa may DSWD.At noong Marso 17 2000 ako nakatapos ng kinder.

      At noong akoy tumuntong ng grade school,sa dapdapan ako pumasok ng unang baitang.At doon hatid sundo ako ng lola ko at ng aking tiyuhin.At doon ay mas lalo akong natutunan at dumami din ang aking kaibigan.

     At kada awas ng tanghali sa bahay ng kaklase ko kami kumakain,at pagkatapos ay naliligo kami sa ilog sa kanila.
At yan ang aking karanasan  noong akoy nasa unang baitang pa lamang,at akoy nakatapos na.

tuwang-tuwa ako dahil honor ako dyan.
       At noong akoy grade2 inilipat ako ng aking lola sa concepcion Elementary.At nag umpisa na ang pasukan .marami akong nakilala  at lalong nahasa ang aking pag iisip.At sa larangan ng spelling ako napasama sa TOP 10  sa aming school.Napili ako para ilaban sa ibang district ng spelling contest.

ito naman ang pic.ko at nang mga barkada ko.
       Tuwing reces o lunch namin ay nag lalaro kami ng barkada ko ng sipa,sikyo,jolen at teks.At minsan napunta kami sa bahay ng kaklase ko sa sampaloc lake,dahil may daan na malapit galing sa school namin.At ito ang hagdan na mataas at doon kami nagpapadulas.At tuwing sabado at linggo,kami ay nag bibisekleta.

        At noong natapos ako sa ikalawang baitang ako naman ay tumuntong sa ikatlong baitang.At dito lalong nadagdagan ang aking kaalaman.Yun pa rin ang mga kaklase ko,ang nag iba lang ay ang grupo namin,at dito nauso ang mga crush,kasalanan namin inaasar lagi namin ang mga babae.Tuwing reces aynapunta kami sa seminario para manguha ng mangga at bayabas.Syempre may kasama rin kaming mga babae.At natapos ko na ang ikalawang baitang.

        Noong bakasyon ng grade 3,lagi kaming nasa ilog at liga din sa concepcion tuwing bakasyon.Minsan lagi kaming naglalaro ng limahan minsan ang laro namin ay sipa,jolen,gagamba ,teks atbp.Kung saan saan kami nakakarating  ng mga barkada ko,lahat kami ay nagbibisekleta.

sipag ko di ba?
     At noong akoy nasa ikaapat na baitang na,nahasa lalo ang aking kaisipan at akoy naging player pa ng Lawn tennis.At akoy panlaban ng district namin.At akoy nagkaroon na rin ng G.F. ng grade 6.Tuwing nag papraktis kami ng Lawn Tennis  sa Aera Tennis Club tuwing hapon,lagi kaming pagod at tuwing uuwi kami diretso na akong uwi.Dumating na yung time na lalaban na kami dahil Division Meet sa Annex4.Natural kabado ako dahil first time ko.May nakilala akong babae na ang pangalan ay Patricia.Hinangaan ko ito dahil napakaganda niya,at ang husay pang maglaro ng Tennis.Wala akong nakamit dahil talagang magalingang mga kalaban.Pero sabi ng guro ko Ok lang daw yun,ginawa ko daw ang kaya kong gawin.At makatapos ang limang araw balik eskwela kami,at sabik na ulit akong mag Division meet uli,dahil marami akong nakilala at natutunan na hindi kailangang damdamin ang pagkatalo dahil hindi naman sa lahat ng panahon ay talunan ako.


     Bakasyon na naman,at kami ay araw arw tambay,lagi kaming nasa ilog dahil mainit.Tuwing gabi naman ay nag gigitara kami sa tambayan marami kami laging may babae at lalake ,may mga barkada din kami na may edad sa amin.Minsan nagaambagan kami dahil magluluto kami ng lugaw.


    Pasukan na naman nasa ikalimang baitang na ako,lalo pang nadagdagan ang kaalaman ko.Nagkaroon kami ng Camping sa school namin ng 3 nights and 2 days.Doon kami pinagaling ang isipan at Team work dahil marami kaming Activity na pinapagawa sa amin,para sa Health body and mind sabi ng guro ko.At noong intrams naman ako ang nagsindi ng Torch namin.Ako ang pinili para dito at dito kami ay sumayaw.Noong malapit na ang District meet kami ay nagpraktis na.At yung isa kong ka player na babae ang naging G.F. ko,at dito marunong na kaming mag-kiss dahil may paulot na may edad sa amin.Dumating na yung oras pinakahihintay namin ay District meet.Binuhos ko lahat at ang naging inspirasyon ko ay ang G.F. ko kaso 4th place lang ako.Sabi k sa sarili ko"sa susunod mapapasama na ako sa tatlong pinakamagagaling at mag-uwi ako ng medal para sa School ko at maipagmalaki ko ang aking lola.


  
    At noong akoy nasa ikaanim na baitang na tuwang tuwa ako dahil ako ay makaka-graduate na nga nung oras na yun,at dumating na ang pinakahihintay kong Division meet.At doon marami akong tinalo at pinanalong laban,dahil dito nakuha ko ang ikatlong posisyon sa Lawn tennis.Tapos naka-graduate na ako noong marso ng 2006.

    Yes,FIrst year na ako kabado dahil Freshmen.Pero tatlo kaming magbabarkada na magkakaklase,ang section ko ay F.2nd year natutong bumarkada at natuto na rin akong mag-bisyo.Napasali ako sa isang Fraternity noong pebrero 6 2008,muntik pa nga akong hindi makapag third year dahil lagi akong Cutting classes.Hulog ako sa Science 2 at values 2 at noong akoy third year,mas marami na akong barkada,dumami din ang aking naging G.F.Tumigil ako noon dahil tinamad na akong mag-aral ang guro ko noon ay si mam Hererra.Noong pangalawa kong Third year nag-tino ako pero hindi maiwasang mag-cut.Ang naging Adviser ko ay si mam BaƱagale.Pasa naman ako at kahit hulog sa Values 3.Nag summer ako sa S.P.C.at marami akong naging tropa doon.

  At nakatungtong na nga ako ng 4th year.Meron kaming barkadahan na ang tawag ay"BOOGIE".At dito lagi kaming nag iinuman,kulitan at solid na samahan.Pag may napaaway na isa sama-sama kami.Tuwing uwian sabay sabay kami.Tapos pag nakakakita kami ng kotseng kuba kami ay nagsasapukan.At pag meron pang may kaarawan sa amin kami ay sama sama.Pag may fiestahan ganun din kainan,salawan,inuman at dramahan.At kada may activity kami kami lagi ang magkakagroup at kami lagi ang Best Performer.Laging mataas ang aming Grade.Noong NOV,1,sama sama kaming bumisita sa puntod at pumunta rin kami kina Bryan at nag-inom kami.At noong Pasko ay nag-Strol kami mag-hapon,at noon gdisperas ng bagong taon nag-inom na kami.Pagkatapos noong tanghali ng Jan,1 nag inom ulit kami.Sana maka-Graduate ako ngayong 4th year para makapag-kolehiyo na ako at makahanap ng magandang trabaho.