ako noong ako ay nagtapos noong kinder. |
Pagtingtong ko sa kinder,sa San Mateo ako ipinasok ng aking inay at dito ko nakasalamuha ang ibat ibag bata,hindi naman ako naging malungkot dahil meron naman akong kaklaseng kakilala ko na.Nagtapos ako sa kinder noong Marso,20,2000.Naging honor students din ako sa larangan ng pagtula.
Pagtungtong naman ng elementarya ipinasok naman akong aking ina sa San Pablo Central School at dito nag umpisa ang aking karanasan.Noong Grade 1 pa lang ako,medyo kabado pa ako dahil hindi ko pa kilala ang aking mga kaklase,hindi ko rin maiwasang umiyak kapag umaalis ang nanay ko.Lagi pa nga akong napapa-tae sa short,napunta ako sa isang sulok para hindi mahalata,hinihintay ko ang aking nanaysa pagdating niya para kumain ng tanghalian.Ayun lang ang naging karanasan ko noong nasa ika unang baitang pa ako.
ito naman ang class pic.ko noong grade 2,ako yung pangalawa |
Noong ikalawang baitang medyo hindi na rin ako umiiyak pag umaalis ang nanay ko.Bagamat iniiwan na rin ako ng nanay ko,hindi pa rin ako marunong umuwi mag-isa.Hinihintay ko noon ang aking nanay,ang akala ko pa nga noon ay hindi na niya ako susunduin,umiiyak ako sa isang tabi at may nagtanong sa aking guro kung may iba pa akong kakilalang guro na nagtuturo dito,naalala ko yung tita ko na guro din doon,pero noong pupunta na ako doon ay nakita ko na yung aking nanay.Natuto na rin akong makisama at maki salamuha sa ibang bata.Nasa ikatlong baitang ako noong natuto akong umuwi mag isa,dito na rin ako natutong bumarkada at gumawa ng kasalanan.Nakapagnakaw ako noon sa Booksstore ng isang laruan dahil sa pakikisama sa masamang impluwensyang barkada,hindi ko pa alam noon ang aking ginagawa kasi nga bata pa ako noon.
pagtungtong ko naman ng ikalimang baitang bumaba ang Section ko,section 7 ako noong Grade 1-4Grade 4 ako,lagi kasi akong lumiliban sa klase ng walang dahilan at hindi gumagawa ng project.Noong ikaanim na baitang naman ay mas lalo pang dumami ang aking kaibigan at kabarkada masaya kami tuwing may kasiyahan sa School.Pagdating ng Graduation ay malungkot kami kasi mag kakahiwalay-hiwalay na kami. naging section 14 na ako,dahil nagloko ako noong
Naging mas masaya ako noong bakasyon.Lagi kong kasama ang aking mga kabarkada,meron kasing malalim na bang bang sa amin lumulusong kami laga doon at ang saya-saya namin noon,pero hindi ko pa rin makakalimutan noong nadulas ako doon,akala ko nga mababalian ako noon buti na lang hindi.Madumi ang damit ko non,dahil sa takot kong malaman ng aking ina,naligo ako sa banlat,pero mas lalo akong kinbahan,buti na lang umulan kaya akala nung nanay ko ay naligo lang talaga ako sa ulan kaya ako ay basang-basa.
class pic. ko noong 1st year. |
ito lang ang ala-ala ko,nagasgasan ang jogging pants ko. |
At pagtungtong ko sa sekondarya mas dumami pa ang aking kabarkada.Naalala ko pa noong second year pa ako nag bike kami sa lake,meron kaming nilikung kalsada meron doon paahon,umahon kami doon ang akala ko ay kakayanin kong bumaba,sinubukan kong bumaba sabi nga noong isa kong kaklase "wag ko na daw ituloy kung hindi ko kaya"pero hindi ako nakinig,sa pag baba kong iyon nag dere-deretso ako at bago ko pa mahawakan yung preno ay sumemplang na ako,pasasalamat ko na lang din atn wala akong kasalubong na sasakyan.Hindi nga kami nakapag play ng Florante at Laura sa Library kasi magugulo kami pag nag papraktis kaya pinag saulo na lang kami ng Script ni Mam Bidula.
Noong third year na ako tumaas nang isa ang section ko,dati ang section ko ay 2-K tapos naging 3-J,ang naging adviser ko ay si Mam Bañagale.Mas masaya ang araw ko noong Shindig sa School namin,kahit malaki ang binayaran sulit pa rin kasi meron namang meryenda.Gabi na kami naka uwi noon,nanalo pa yung barkada ko ng premyo,ang nakuha niya ay Grocery.Mataray ang naging guro namin sa Filipino si Mam Lee,noong magrereport na ako sa Noli me Tangere ay kinabahan ako,ang akala ko nga hulog ako saFilipino buti na lang ay nahigit ng matataas kong score sa activity.
ito ang mga kabarkada ngayong 4th year. |
Ito na ang pinakahihintay ko ang mag 4th year graduating kasi ako.Mas mahirap palang mag 4th year lalu na ang MATH subject.Minsan may natututunan ako minsan naman wala.Pero pasa ako noong unang markahan at ikalawa.Ang naging karanasan ko ay noong sumama ako sa Sci-camp,nalagyan ako ng toothpaste sa puwit,badtrip nga andamu oang kumuha ng picture,malaman ko lang kung sino yun buntal sa akin yun.Pero mas kabado ako sa Deliveration kasi nakasama ako sa VALUES at sa MAPEH,sabi naman daw ni Sir Guiterrez,lahat naman daw ay delivered sa kanyang subject,pero mas lumuwag ang kalooban ko noong hindi ako napasama sa second deliveration,ang iniintindi ko na lang ay ang mga requirements,pero sana kaya kong mai-submmitt ito para maka-graduate na ako.............
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento